Martin may inamin tungkol kay Pops

February 01, 2019
Martin Nievera
Martin Nievera

IN the same presscon, inamin naman ng Concert King at ex-husband ng Concert Queen na si Pops Fernandez na si Martin Nievera that the slot ng isa  sa 50 Wall of the World international judges in  the upcoming global talent competition, “World’s Best” was first offered to him.  When the taping schedules ng World’s Best was given to Martin, hindi umano ito nag-swak sa kanyang schedule kaya napakawalan niya ang napakalaking international break na ito.  He was asked whom he could recommend as his replacement, he mentioned Pops na nasa listahan na rin pala ng mga namamahala ng “World’s Best”.  Nagulat umano ang mga ito nang sabihin ni Martin na ex-wife niya si Pops and that they have two grown up sons.  Immediately the production team contacted Pops at nagkaayos naman sila sa schedule.

Very proud si Martin sa kanyang ex-wife na ito’y napasama sa 50 Wall of the World judges along with the main judges na binubuo nina Barry Barrymore, RuPaul at Faith Hill and hosted by James Corden.

“World’s Best” will premiere on February 3, 2019 on CBS TV sa Amerika created by Mike Darnell ng “American Idol” at ni Mark Barnett ng “Survivor” and “The Voice”.

When Pops flew to the US for the taping, naroon din si Martin and his non-showbiz girlfriend and his two sons with Pops na sina Robin (with girlfriend Zia Quizon) and Ram.  Sa Amerika na rin nag-celebrate ng kanyang recent birthday ang panganay nilang si Robin.  (The picture in this page was taken by Martin’s girlfriend.)

Hindi ikinakaila ni Martin na napakaganda umano ng kanilang samahan ngayon ng kanyang ex-wife na si Pops with their two sons since they got separated in 2003 and that was 16 years ago when their sons were still very young.

Samantala, kung si Martin lamang ang masusunod, gusto na rin niyang magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak na si Robin.  Pero wala pa umano siyang idea kung kelan magpapakasal ito sa kasintahang si Zia Quizon, anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

At 56, naunahan pa siyang maging grandfather ng dati niyang archrival sa concert supremacy na si Gary Valenciano, now his ‘brother’ and best friend.

Gary V. has a granddaughter sa panganay nilang anak ni Angeli Pangilinan na si Paolo Valenciano at wife nitong si Samantha Godinez-Valenciano who happens to be pamangkin ni Martin sa kanyang half-sister na si Gina Tabuena-Godinez.  In a way, apo na rin ni Martin (sa pamangkin)  ang first apo ni Gary V. na si Leia.