Martin, unang inalok sa ‘World’s Best’

January 29, 2019
Martin Nievera & Pops Fernandez

Before Pops Fernandez, kay Martin Nievera pala unang in-offer ang pagiging judge ng international talent search ng CBS na The World’s Best representing the Philippines.

Natanong ito kahapon sa concert king sa presscon ng Timeless Classics Valentine concert nila ni Lani Misalucha.

Kwento niya, he already got the part.

“I already got it. They had a whole list of people na ‘for sure,’ ’yung mga ‘for sure’ choices.

“So I went on a Facetime audition which I’ve never done and they asked me these questions and I was just being myself and they said, ‘okay, you’re in, this is exactly what we’re looking for,’” kwento ni Martin.

Ibinigay daw niya ang kanyang schedule at dito na nagkaroon ng conflict.

“It just so happened na everyday of taping for the show, I have a concert in a different city. So, I tried to get out of my commitments but it was too late,” aniya.

Hindi na raw kayang i-move pa ang mga commitment niya at hindi rin naman pwedeng mag-adjust ang show na dapat sana’y international break niya.

“They said, ‘I’m sorry, Martin, we really want you, we already organized your taping days but we can’t meet the days of your concerts. So, do you know anyone else that you think coud play the role?’” saad niya.

At dito nga raw niya sinabi ang pangalan ng ex-wife na, incidentally, nasa list din.

Ang nakakatuwa, tinanong siya ng producers kung bakit niya kilala si Pops na ikinagulat niya.

Ang isinagot daw niya ay, “Well, we have two kids.”

Nang malaman daw ng mga ito ang buong kwento, tinanong daw siya kung pwede silang kuning dalawa as judges, pero hindi raw kasi talaga siya pwede.

“So they went to Pops straight and they were able to fix her schedules so that she could be there for the taping days,” kuwento pa ni Martin.

Ang nakakatuwang parte pa raw, napakatagal na niyang hinihintay ang international break na gaya nito.

“I’ve always wanted that, I’ve always wanted that break. I was so fixated about that so much so that I actually lost Pops and the kids. We’re no longer together ’coz I’m so hungry for fame, international fame. 

“And finally, here it is, and who do I give it to? The person I lost. That’s God saying na ‘ah, ganu’n, ha?’ Give it to Pops. Which I did and I’m so happy I did,” pahayag pa ni Martin. 

Samantala, sanay na sina Martin at Lani na ’pag V-Day ay nagtatrabaho sila at binibigyan ng happiness and entertainment ang mga nagsi-celebrate ng Araw ng mga Puso.

Hindi na nga mabilang kung pang- ilang Valentine’s show na nila ito, kaya hindi na raw sila naghahangad pa na mag-celebrate ng sariling Valentine’s Day with their partners.

Dahil nga Timeless Classics ang title ng show, timeless classics ang kakantahin nila from way back para ma-feel good naman daw ang  couples celebrating V-Day.

Gaganapin ang Timeless Classics sa mismong Valentine’s Day, Feb 14, 8 p.m., sa PICC Plenary Hall under the musical direction of Louie Ocampo.

Timeless Classics is a production of Starmedia Entertainment in association with Global Police Community Relations.

The show is for the benefit of the projects of the Rotary Club of Makati East, Rotary Club of Cubao Central and Rotary Club of Paranaque East.