Mas maraming artista lalahok sa protest rally para sa ABS-CBN

February 19, 2020

NOONG Valentine’s Day, nagkaroon ng protest rally ang mga empleyado ng ABS-CBN laban sa quo warranto petition ng pamahalaan laban sa kompanya na kanilang pinaglilingkuran.

Naganap ang protest rally sa harap ng Kapamilya Network building sa Sgt.Esguerra Avenue, Quezon City.

May balita na muling mangyayari ang protest rally sa darating na Biyernes, February 21 pero hindi lamang ang mga empleyado ang lalahok dahil kasali na rin ang mga contract star ng ABS-CBN.

Inaasahan na mas malaki ang magaganap na kilos-protesta ng ABS-CBN dahil sa paglahok ng mga artista na tiyak na aakit ng maraming observer, lalo na ang mga tagahanga na kaligayahan na ang makita nang personal ang kanilang mga iniidolo na showbiz personality.