Matteo may award sa pagtatapos ng military training

June 28, 2019
Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

NAGTAPOS with honors si Matteo Guidicelli sa kanyang Scout Ranger training sa loob ng Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan at nakatakda na itong lumabas ng kampo sa darating na Lunes, July 1.

Si Matteo ay 2nd Lt. army reservist at ang pagpasok niya sa training ay boluntaryo.

Hindi naman natiis ng pamilya at ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo si Matteo at siya’y dinalaw sa loob ng kampo during his actual training.

Matteo was treated just like any ordinary army na sumailalim ng  rigorous training ng pagiging isang Scout Ranger.

Samantala, napag-alaman namin sa big boss ng Viva Group of Companies na si Boss Vic del Rosario na handang-handa na si Matteo na sumabak sa paggawa ng action movies at may movie ito na nakatakdang simulan ngayong buwan ng Hulyo.  Bukod sa pelikula, gagawin din ng Fil-Italian triathlete, singer-actor at entrepreneur ang kanyang debut album under Viva Records.