Matteo nairaos ang 30th birthday sa kabila ng lockdown

March 30, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

SA kabila ng enhanced community quarantine forcing people to stay at home (maliban sa mga nasa frontline), nairaos ng singer-actor, athlete at entrepreneur na si Matteo Guidicelli ang kanyang 30th birthday last March 26 (Thursday). Kumpleto ang kanyang pamilya – ang kanyang wife (of more than one month) na si Sarah Geronimo, ang kanyang parents na sina Gianluca Guidicelli at Glenna Fernan-Guidicelli, ang kanyang elder sister na si Giorgia at mister nitong si Ian Dato at ang kanilang bunsong kapatid na si Paolo Guidicelli.

Samantala, kung masaya ngayon ang mag-asawang Sarah at Matteo at sa  mainit na pagtanggap kay Sarah ng pamilya Guidicelli, kabaliktaran naman ito sa kaso ng pamilya ni Sarah kay Matteo.  Pero patuloy na umaasa ang newlywed couple na darating din ang araw na matatanggap din ng mga magulang ni Sarah na sina  Delfin at Divine Geronimo ang kanilang manugang na si Matteo.