Matteo nakalikom ng P4M para sa covid frontliners

March 23, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

ALTHOUGH isang buwan pa lamang (last March 20) kasal ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli,  excited na rin ang fans  na magkaroon na rin ng Little Sarah o Little Matteo  ang celebrity couple.

For now, wala pa  umano sa immediate plans ng mag-asawa ang pagkakaroon ng baby  dahil pareho pa silang abala sa kanilang respective careers bukod sa pareho rin silang naga-adjust ngayon sa kanilang buhay may asawa.

After one month of being married and living together as a couple, hanggang ngayon ay inaasam pa rin ng bagong mag-asawa ang pagtanggap sa kanila ng parents ni Sarah na sina Delfin at Divine Geronimo  Wala namang problema si Sarah sa pamilya ni Matteo na noon pa man ay close na sa kanya.

Samantala, masayang-masaya si Matteo na nakalikom siya ng mahigit P4-M sa kanyang ginawang Facebook Live fund-raising campaign last Sunday, March 22  na pinamagatang “One Voice Philippines" kung saan niya nakatuwang ang Callalily frontman at actor na si Kean Cipriano at kung saan din nag-perform sina Jed Madela, Jason Dy, Joey G. at Kyle Echarri at kung saan din nagkaroon ng appearance sina Jericho Rosales, Kylie Verzosa at Jake Cuenca.

Ang nalikom na pondo sa “One Voice Philippines” na isang online event  sa pakikipagtulungan with Landers Superstore, Philippine Army at mga kasamahan sa industriya ay nakalaang itulong sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 outbreak.