Max Collins kinakabahan pero handa na sa home water birthing

June 12, 2020
Max Collins

NAKATAKDANG manganak sa July ang aktres na si Max Collins sa kanilang firstborn ng asawa at kapwa Kapuso artist na si Pancho Magno.

Bagama't kinakabahan, mas excited pa rin siya sa nalalapit na pagsilang ng kanilang baby boy. Kaya naman, mas tinututukan ni Max ngayon ang kaniyang health. Sa isang Instagram update, ipinasilip niya kung paano niya pinaghahandaan ang pagbubuntis sa pamamagitan ng mga pregnancy workouts, at isa na nga rito ang pilates.

Aniya, "So thankful for pre-natal Pilates, trying to gain my strength back for the big day! Thank you."  

Mas pinili ng pamilya Magno ang home water birth para kay Max bilang paniniguro sa safety ng baby ngayong may COVID-19 pandemic.