Mayor Isko nagpasalamat kay Angel at mga kasama

April 03, 2020
Isko Moreno and Angel Locsin
Isko Moreno and Angel Locsin

BAGO sinimulan ang #UniTENTweStandPH fund-raising campaign ng actress-philanthopist na si Angel Locsin last March 25 ay namahagi muna siya along with her good friend, ang fashion designer na si Michael Leyva na ng mga PPEs sa mga  taong nasa frontline (doctors, nurses and other health workers) at dito niya nakita kung gaano na ka-over crowded ang mga pagamutan (both government-owned and private hospitals) sa mga Covid-19 patients.  With the help ng kanyang fiancé na si Neil Arce, best friend-actress na si Dimples Romana at iba pang mga well-meaning friends ay binuo ni Angel ang #UniTENTweStandPH  fund-raising campaign para makapagpatayo ng mga tents sa tabi ng mga hospital grounds na magsisilbing isolation tents or quarantine tents na may size na 12 x 24 meters na P50,000 ang cost bawat tent kasama na ang mga gamit sa loob.  Sa loob lamang ng isang linggo matapos i-launch ang nasabing fund-raising campaign ay nakalikom sila ng P3.7M at nakapag-set-up na si Angel and her team ng mga tent in almost 30 hospitas in Metro Manila and on to the neighboring hospitals sa labas ng Metro Manila.  Ang mga celebrities na sina Anne Curtis at Regine Velasquez ay kasama sa nag-donate para #UniTENTweStandPH fund-raising campaign ni Angel.

Nagpasalamat naman ang actor-turned mayor ng Maynila na si Isko Moreno kay Angel matapos mabigyan ng isolation/quarantine tents ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center in Tondo, Manila.

Hangga’t patuloy ang dating ng mga donasyon para sa #UniTENTweStandPH fund-raising campaign na pinamumunuan ni Angel, hindi titigil ang aktres sa pagese-set-up ng mga tents sa iba’t ibang grounds ng mga pagamutan including the provinces.

Samantala, tumigil na ang basher ni Angel na may kinalaman sa kanyang charitable act.