Mayor Lani, nag-sorry sa ‘COVID-14’:

April 13, 2020
Lani Mercado

‘Tao lang po, pasensiya na…’

BIRTHDAY ni Bacoor Mayor Lani Mercado ngayong Lunes at siyempre, hindi nakalimot ang mister niyang si Sen. Bong Revilla na nagpa-deliver ng bouquet of sunflowers kahit na medyo mahirap dahil nasa enhanced community quarantine nga ang buong Luzon.

Ipinost ni Sen. Bong sa kanyang Facebook account ang video kung saan ay inaabot niya ang flowers sa kanyang misis na na-touch dahil nakuha pa nga raw nitong makakuha ng bulaklak for her.

“Happy birthday to the greatest gift of God to me and to your children,” pagbati ni Sen. Bong kay Lani habang inaabot ang flowers with matching kiss.

“May pasabog pa rin, may delivery pa rin,” halatang na-surprise na sabi ni Lani.

Nagpasalamat si Mayor Lani sa mister at sa lahat ng nakaalalang bumati sa kanya. She also took the chance na i-address ang pagkakamali niya last week kung saan ay nasabi niyang “COVID-14” ang COVID-19.

“Sa mga natuwa sa aking pagkakamali...” natatawang sabi ni Lani.

“COVID-14,” natatawa ring sey ni Sen. Bong.

Kasunod nito ay nag-apologize si Mayor Lani sa naging pagkakamali.

“Sorry po, talagang... wala na, dami po talagang iniisip. Pero sorry po sa mga nagalit, ’wag na ho kayong magalit, tapos na po ang Mahal Na Araw,” sey ni Lani na tinatawanan na lang ang sarili.

“Bawal po magkamali pala ang mga alkalde, tao lang po, pasensiya na. Pero ginagawa po talaga natin lahat ng ating magagawa para lang maalpasan natin itong mga pagsubok na ’to.

“And we’re praying na sana mahanap na po talaga ang lunas sa COVID-19 (with emphasis). Thank you so much,” patuloy pa ni Lani.

Nagpasalamat din si Mayor sa asawa kahit na raw minsan ay kinakagalitan siya.

“Galit ng pagmamahal,” sey naman ni Sen. Bong.

Aminado naman ang aktor/politiko sa pagkakamali ng asawa pero aniya ay nobody’s perfect.

“Minsan, hindi mo na alam ang gagawin mo para sa mga kababayan mo dahil kahit anon’g gawin mo, may pula at pula pa rin. Pero ang importante ay gawin mo kung ano ang dapat para sa kanila.

“Katulad ng sabi nga ni Mayora, nagkamali siya, COVID-14, well, medyo nadulas lang siya nu’n, medyo nagkamali, nobody’s perfect, lahat naman tayo nagkakamali.

Very minor “Naging katawa-tawa, napaligaya naman niya ’yung ibang tao. ’Yun nga lang, naging katawa-tawa. Pero that’s okay,” sabi ni Sen. Bong.

“I’m okay, I’m happy, I’m not mad, kahit bina-bash po,” sey naman ni Mayor Lani.

Dagdag ulit ni Sen. Bong, “Ako nga, kahit nakagat na ng aso, ’di ba? Eh, kasama ’yun, eh. Wala namang may gusto nu’n, eh. Importante, okay tayo.”