Mayor Vico nail-link naman ngayon kay Bea

June 21, 2020

PAGKATAPOS ma-link noon ang binata at guwapong mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto sa athlete-host na si Gretchen Ho matapos makitang magkatabi na nanood ng volleyball games sa PhilSports Arena (Pasig) bilang bahagi ng South East Asean Games na ginanap sa Pilipinas last December, may bago naming itinutukso ngayon sa batang alkalde na anak nina Vic Sotto at Coney Reyes – ang aktres na si Bea Alonzo matapos itong maghatid ng mga tulong sa pamamagitan ng kanyang I Am Hope Foundation sa Pasig in the presence of Mayor Vico at Rep. Roman Romulo.

Vico who turned 31 last Wednesday, June 17 ay isa sa elusive bachelors dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend.  Pero kung nanaisin lamang ng binatang mayor ay napakarami niyang choices.

Although gusto na rin nina Vic at Coney na magkaroon ng lovelife si Vico, iginagalang nila ang choice nito na huwag muna itong magkaroon ng girlfriend sa ngayon.