McDo ni Alden, pinipilahan

April 12, 2020
Alden Richards

FOR deliveries and drive-thru pa lang muna bukas ang franchise branch ng McDonald’s nina Alden Richards sa Biῆan Highway sa Laguna at sa Instagram Story na pinost ng dad ni Alden na si Richard Faulkerson Sr., makikita ang mahabang pila sa drive thru lane.

Kaya nag-post ito ng “Maraming Salamat po!”

Ang daming naka-miss ng McDonald’s at tiyak, marami rin ang nagpa-deliver ng kani-kanilang order.

Limitado pa lang ang oras ng operation ng McDo dahil mula 7 a.m. to 2 p.m. muna.

Nababasa rin namin na maraming fans ni Alden ang nagpaplanong kumain sa branch ng McDo ng aktor kapag na-lift na ang lockdown at puwede na uling mag-travel.

Hindi lang burger, pasta, chicken, French fries ang nami-miss nila, pati raw ang Faulkerson family at si Alden.