Message ni Dingdong para kay baby Ziggy nagpaiyak

April 17, 2020
Dingdong Dantes, Marian Rivera and Baby Ziggy
Dingdong Dantes, Marian Rivera and Baby Ziggy

KAHAPON, Abril 16, ang unang kaarawan ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Baby Ziggy. Pero dahil sa enhanced community quarantine, isang simpleng selebrasyon lamang ang ginawa ng mag-asawa sa kanilang anak. 

Nag-bake ng cake at gumawa ng ice cream si Marian gamit ang mga available ingredients sa kanilang kusina. Sa kanyang Instagram, binahagi rin ni Marian ang cute na cute na picture ni Sixto na masayang naglalaro sa kanilang bakuran. “Ligo na tayo anak at kakantahan ka na namin ng Happy Birthday!” Bukod sa haircut, may handog namang heartfelt message si Dingdong kay baby Ziggy na nagpaiyak sa netizens maging ilang celebrities. 

Ayon kay Dingdong, kahit konti lamang daw sila na magdiriwang ng kaarawan ng anak, marami raw ang nagmamahal dito na hindi nga lang makadalo dahil na rin sa banta ng COVID-19. “But please know that there are many people like your cousins, grandparents, godparents and relatives who wish to see you and be with you today, probably to give a gift, a cake, or a simple tight warm hug.” 

Ayon pa kay Dingdong, mainam daw na gamitin ang panahon na ito upang mas pangalagaan ng isa’t isa ang ating mundong ginagalawan maging ang mga taong nakakasalamuha. 

Samantala, magbabalik-telebisyon si Marian sa GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion. Pansamantala namang pinalitan ng Encantadia ang timeslot ng pinagbibidahang series ni Dingdong na Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.