Mga anak na lalaki ni Pacquiao, nagpapalit-palit na rin ng girlfriends

April 17, 2020
Manny Pacquiao

KUNG ang relasyon ng Kapamilya young actress at ex-PBB housemate na si Heaven Peralejo sa panganay na anak ng boxing hero at senador na si Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao ay nauwi sa hiwalayan, hiwalay na rin pala ang younger brother ni Jimuel na si Michael Pacquiao sa Kuala Lumpur-based Filipina-Malaysian singer na si Yazmin Aziz (20).

For a while ay nag-work ang LDR (long distance relationship) set-up nina Michael at Yazmin pero sa kalaunan ay nahinto ito.

Pagkatapos ng kanilang break-up ni Yazmin, Michael is now seeing a 17-year-old international model na nagngangalang Adelaide Wanda Yvone, isang Filipina-Spanish  na naka-base sa Alberta, Canada.  Ang dalawa ay nagkakilala nang magbakasyon sa Pilipinas si Wanda.

Wanda started her modeling career when she was 13.  Siya’y may taas na 5’9”.

Sino kaya sa magkapatid na Jimuel at Michael ang magmamana sa kanilang ama sa pagiging chickboy noon?