Mga anak ni Gary V, nagtatrabaho sa kalabang istasyon

February 03, 2020
Paolo & Gab valenciano

KUNG si Gary Valenciano ay very much identified with the Kapamilya Network dahil sa “ASAP Natin `To,” ang dalawa naman sa kanyang tatlong anak na sina Paolo at Gab Valenciano ay abala ngayon sa Kapuso network.

Si Paolo ay tumatayong creative consultant ng “All Out Sundays,” ang Sunday musical variety show ng GMA  at siya rin ang concert director ng “The Sweetheart and the Balladeer (Fun Night Only)” concert series na tinatampukan nina Julie Anne San Jose at Christian Bautista kasama sina Donita Nose, Tekla at Kyline Alcantara.  Ang ikatlong leg ay nakatakdang ganapin sa Urdaneta City Cultural and Sports Center in Pangasinan sa darating na Sabado, February 8.

Katatapos lang idirek ni Paolo ang “1 for 3” concert nina Christian Bautista, Mark Bautista and Aicelle Santos na ginanap sa The Theatre at Solaire last Saturday, February 1.

Si Paolo rin ang stage director ng  upcoming re-staging ng musical play na “Joseph, The Dreamer” na pangungunahan ng ex-boyfriend ng kanyang youngest sister na si Kia Valenciano na si Sam Concepcion.  Ito’y nakatakdang ganapin sa Maybank Theater in BGC simula sa February 20.

Paghahandaan din ni Paolo ang last two-night major concert ng kanyang dad na si Gary V. at the Big Dome (Smart Araneta Coliseum) on April 18 & 19, 2020.

Samantala,  ang nakababatang kapatid naman ni Paolo na si Gab Valenciano ay siyang bagong director ngayon ng “Wowowin” ni Willie Revillame on GMA.

Although unang pinasok ni Paolo ang entertainment business bilang isang singer, he admits na mas fulfilling umano ang pagiging isang concert and stage director kung saan siya ngayon in-demand.

Bukod sa pagiging singer, dancer and musician, kakaibang high naman ang nararamdaman ngayon ni Gab working behind the cameras habang ang youngest and only sister nilang si Kiana ay siya namang naka-focus sa kanyang singing career.