Mga anak ni Ruffa may pagmamanahan

August 24, 2020

PAREHONG nang teenager ngayon  ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin (17) at Venice Gutierrez (16) Bektas sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.  Hindi maitatatwa na nakuha nina Lorin at Venice ang magagandang features ng kanilang parents.

Since maituturing na fashion icon ang kanilang inang si Ruffa, hindi kataka-taka namana hinito ng kanyang dalawang teen-age daughters.  

Kapag magkakasama sina Ruffa at dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice ay aakalain lamang na magkakapatid ang tatlo.  At 46, napakaganda at napaka-fashionista pa rin ng panganay nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Si Ruffa ay kasalukuyang napapanood sa afternoon TV series ng Kapamilya Channel na “Love Thy Woman” na malapit na ring magtapos.