Mga dating ABS-CBN stars unti-unti nang lumilipat sa TV5

July 24, 2020

TULAD ng lumabas sa ating column kahapon, mukhang totoo ang balita na muling bubuhayin ng TV5 o Kapatid Network ang kanilang entertainment division to give way to new local programs na sisimulan ng isang morning talk show na pinamagatang “Rise & Shine” na tatampukan ng dalawang talent mula sa Kapamilya network na sina Pokwang at Ria Atayde at ng misis ni Vic Sotto na si Pauleen Luna na kahit sa ABS-CBN nagsimula ay mas identified ngayon sa Kapuso network or GMA.

Ang bagong morning daily show ay pamamahalaan ni Mike Tuviera (anak ni Tony Tuviera).

Kung hindi kami nagkakamali, ang nasabing programa ay co-production ng TAPE, Inc., TV5 at Cignal TV sa ilalim ng bagong tatag na production company, Archangel Productions.

ABS-CBN’s management arm, ang Star Magic ay maluwag ngayon sa pagpapahiram sa ibang TV network ng kanilang mga talents dahil sa pagkakabasura ng bagong prangkisa ng Kapamilya network.  Kailangan ding makahanap ng ibang trabaho at pagkakakitaan ang contract talents ng ABS-CBN  habang ang iba naman sa kanila ay walang exclusive contract with Star Magic.

Although ang “Eat Bulaga” is a blocktimer on GMA (if not a co-production), the longest noontime show is produced by Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.) headed by Mr. T (Tony Tuviera), malayang nakakapag-guest sa programa ang ibang talents from other TV networks.  Recently, sunud-sunod na talents from Kapamilya network ang napapanood sa well-followed na “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” at kasama na rito sina Pokwang, Richard Yap, Kim Molina, Louise de los Reyes at iba pa.

Bukas umano ngayon ang TV5 ng co-productions at blocktimers kaya maraming independent producers ang gustong mag-produce ng programa sa Kapatid Network.

May balita pa kami na gusto umanong i-revive ng TV5 ang “Talentadong Pinoy,” isang reality talent show originally hosted by Ryan Agoncillo.