Mga natalong mas nanalo

April 28, 2019
JK Labajo

NOT all winners end up real winners.

'Yan lagi ang naririnig natin sa mga winner sa talent contest na hindi umusbong ang career sa showbiz.

Kadalasan, mas sumisikat pa 'yung mga natalo. Gaya na lamang nina Darren Espanto at JK Labajo, na kapwa finalist ng The Voice Kids Season 1. Ngayon, kaliwa't kanan ang concert ng dalawa; habang si Darren ay nakatakdang mag-guest sa Singer 2019 sa China. Si JK naman ay tumatamasa sa tagumpay ng kanyang monster hit na "Buwan." Samantala, ang The Voice Kids grand winner na si Lyka Gairanod ay nag-focus naman sa kanyang pag-aaral; na nag-graduate sa elementary kamakailan.

Isa pang 'di pinalad sa The Voice Philippines ay si Moira Dela Torre. Sumali siya noong Season 1 nito; na kung saan itinanghal na grand winner si Mitoy Yonting. Ngayon, certified hitmaker na itong si Moira. At isa siya sa mga judge ng Idol Philippines.

Idagdag pa sa listahan ang TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Francis Concepcion at Mackie Empuerto. Silang tatlo ay naging grand finalists sa kauna-unahang Tawag ng Tanghalan Kids. Sumikat sila noong nag-trending ang kanilang pagbirit sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice. Kaya malaking pasalamat nila kay Vice Ganda. Pumatok at kumita din ang concert nila sa Araneta Coliseum. At ngayon, may US concert tour pa. Mas malayo na ang narating nila kaysa kay Jhon Clyd Talili na naging grand champion nila.

Hindi man naging grand champion sina Darren, JK, Moira at TNT Boys sa kani-kanilang sinalihang contest, pinatunayan naman nila na hindi lahat ng natatalo sa contest ay talunan na sa buhay. Patotoo din na may kani-kaniya tayong nakatakdang kapalaran sa buhay. Kaya inspiring ang kanilang tagumpay.

Ano na ang nangyari sa career ng ibang champions gaya nina Jason Dy (The Voice Philippines Season 2), Noven Belleza (TNT Season 1) at iba pang naging grand winner sa mga talent search? Just asking...
Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.