Mga palabas na naurong

March 22, 2020

DAPAT sana’y nakatakdang magsimula sa ere sa araw na ito ng Lunes, March 23 ang bagong panghapong teleserye na “Ang Iyo ay Akin” na tinatampukan nina Jodi Sta. Cruz, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano na siyang papalit sana sa nagtapos nung March 20 (Friday) na “Sandugo,” ang action-drama-crime TV series na tinampukan nina Aljur Abrenica, Ejay Falcon, Elisse Joson, Jessy Mendiola kasama sina Ariel Rivera, Vina Morales, Cherry Pie Picache, Gardo Verzosa, Ogie Diaz at iba pa. Pero dahil sa temporary suspension ng taping ng mga serye ng Kapamilya network ay hindi muna ito matutuloy at mauurong ito a later date kapag okey na ang sitwasyon sanhi ng COVID-19 outbreak.

Samantala, postponed din ang 2020 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na nakatakda sanang ganapin sa darating na  August 7 – 16, 2020 sa Cultural Center of the Philippines at ito’y dahil din sa present situation na kinakaharap ng Pilipinas at ng buong mundo dahil sa coronavirus.  Wala pang advise kung ito’y mauurong lamang o  matutuloy pa rin sa taong ito.