Mga sayang na loveteam

February 06, 2020

TATLONG successful loveteams recently ang nabuwag much to the dismay of their respective fans.  Nauna nang nabuwag ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza nang maging open na si Maine sa kanyang relasyon sa kanyang nobyong si Arjo Atayde ng Kapamilya Network. Sumunod dito ang break-up ng magka-loveteam at magkasintahang Julia Barretto at Joshua Garcia nung isang taon at nitong pagpasok ng bagong taon, naghiwalay naman ang dating mag-loveteam at live-in partners na sina James Reid at Nadine Lustre.  Hindi rin nagtagal ang tambalan nina Maris Racal at Inigo Pascual dahil nauwi rin ang kanilang short-lived relationship sa hiwalayan.

Nananatili namang popular at  matatag ang longtime loveteams at sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla maging ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.  

Sina James at Nadine sana ang sumusunod na most popular loveteam pero agad itong nabuwag nang magkahiwalay ang dalawa.

Although hindi nagkaroon ng romantic relationship ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, isa ito sa mga successful loveteams on TV at pelikula pero ito’y nahinto nang mag-indefinite leave of absence sa showbiz si JLC nung October 2017 although may indikasyon na muli itong gagawa ng pelikula this year.

Ngayong hiwalay na sina JLC at Ellen Adarna, dapat na sigurong haraping muli ng actor ang kanyang showbiz career lalupa’t mahigit dalawang taon na siyang inactive sa industriyang naging maamo sa kaya.