Mga showbiz people na kandidato

March 30, 2019

KUNG hindi man ngayon napapanood sa long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” ang komedyanteng si Dagul (Romy Pastrana in real life), ito’y dahil naka-leave of absence siya sa programa dahil abala siya ngayon sa kampanya bilang kandidato sa pagka-konsehal ng Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Dagul, hindi umano balakid ang kanyang abnormal height sa kanyang pangarap na makapagsilbi sa kanyang mga kababayan sa Rodriguez, Rizal.  At kung papalarin umano siyang manalo ay  tututukan umano niya sa konseho ang komite on health and livelihood lalung-lalo na para sa mga senior citizen at persons with disability.

Si Dagul ay isa lamang sa maraming taga-showbiz na nagnanais na makapagsilibi sa bayan.

Ang dating miyembro ng Viva Hot Babes na si Jaycee Parker na misis na ngayon ng ex-husband ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada na si Jerico Aguas ay kandidato rin sa pagka-konsehal ng Angeles City.

Ang actor-comedian at Quezon City councilor na si Roderick Paulate ay tumatakbo ngayon sa pagka-vice mayor ng siyudad bilang ka-tandem ni Chuck Mathay, na siya namang kandidato sa pagka-mayor ng QC.  Ang kaisa-isang anak na lalaki ni Senate President Tito Sotto at Helen Gamboa na si Gian Sotto ay kandidato rin sa pagka-vice mayor ng QC at ka-tandem ng incumbent vice-mayor na si Joy Belmonte kapalit ng outgoing QC mayor na si Herbert Bautista na hindi na kumandito sa anumang post sa darating na May 13 mid-term elections.

Ang kaisa-isang anak ng singer, TV host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto sa veteran actress na si Coney Reyes na si Vico Sotto ay tumatakbo sa pagka-mayor ng Pasig.  Ang dating action star-turned-congressman ng Makati na si Monsour del Rosario is seeking reelection ganundin ang dancer-turned TV host-actor na si Jhong Hilario bilang konsehal ng Makati.

Tatakbo naman sa pagka-gobernador ng Bulacan ang incumbent vice-governor na si Daniel Fernando.

Ang Jukebox Queen naman na si Imelda Papin ay muling kumandidato sa pagka-vice governor ng Camarines Sur.  Nanilbihan na ring vice-governor si Imelda sa nasabing lugar ng dalawang termino from 1998 to 2004.  Ang actor-politician na si Yul Servo (John Marvin C. Nieto in real life) ay muling tatakbo sa pagka-kongresista ng ikatlong distrito ng Maynila.  Reelectionist din sa kongreso si Alfred Vargas na kinatawan ng isang distrito ng Quezon City.

Ang actress-politician na si Lani Mercado ay muling tumatakbo sa pagka-mayor ng Bacoor, Cavite at reelectionist naman sa pagka-vice governor ng Cavite ang anak nila ni Sen. Bong Revilla na si Jolo Revilla habang si Bong ay muling kumandidato sa pagka-senador.  Ang nakababata namang kapatid  ni Bong na si Strike Revilla ay reelectionist din sa pagka-kongresista ng Cavite, ang sister niyang si Rowena Mendiola as reelectionist councilor of Bacoor habang ang younger sister nitong si Andrea o Andeng ay kandidato naman sa pagka-mayor ng Antipolo City at siyang papalit sa outgoing mayor ng siyudad, ang mister niyang si JunJun Ynares.

Ang director-politician na si Lino Cayetano ay kandidato ngayon sa pagka-mayor ng Taguig habang ang dalawa niyang elder siblings na si Cong. Pia Cayetano at dating senador at Foreign Affairs Secretary na si Alan Peter Cayetano ay kandidato sa magkahiwalay na post, si Cong. Pia sa pagka-senador habang si Allan Peter sa pagka-kongresista ng Taguig.  And there are more.

Ang local candidates sa darating na mid-term elections ay nagsimulang mangampanya nung nakaraang Biyernes, March 29 na tatagal hanggang May 11, 2019.