Michael mana sa amang si Kirk Douglas

February 07, 2020

SUMAKABILANG-buhay na ang American Hollywood icon na si Kirk Douglas sa edad na 103 nung nakaraang Miyerkules, February 5 sa kanilang tahanan sa Beverly Hills, California, USA.  Iniwan niya ang kanyang second wife na si Anne Buydens at apat na anak, ang veteran actor na si Michael Douglas at Joel Douglas (sa kanyang first wife na si Diana Douglas) at sina Joel at Peter Douglas sa kanyang second wife na si Anne Buydens.  Si Eric na isa ring actor ay namatay nung July 6, 2004 dahil sa overdose ng drugs and alcohol.

Si Kirk ay hindi lamang nakilala bilang actor sa Hollywood kundi isa rin siyang writer-producer at philanthropist.

Ang panganay na anak ni Kirk na si Michael Douglas (75) ang sumunod sa kanyang mga yapak. Tulad ng kanyang ama, dalawang beses ding nagkaroon ng asawa si Michael.  Nauna na rito si Diandra Luker na kanyang pinakasalan in 1977 at tumagal hanggang 2000.  On same year, nag-divorce ang dalawa at pinakasalan ni Michael si Catherine Zeta Jones.

Si Michael ay may tatlong anak, sina Cameron, Carys at Dylan Michael Douglas.