Michael V. matapos maka-recover sa COVID 19  anak naman ang nagka-symptoms 

August 13, 2020
Michael V.

MATAPOS ang ilang linggong pakikipaglaban sa COVID-19, masayang ibinalita ni  Michael V. na naka-recover na siya sa sakit.

“Sa ngayon tapos na 'yung quarantine ko and masasabi ko okay na, naka-recover na,” kuwento ni Bitoy sa kanyang "Bitoy Story" vlog.

Sa kabila ng good news na ito, muling nabahala ang kanyang pamilya matapos madiskubre na isa sa mga anak niya ang nakaranas ng ilang sintomas ng virus tulad ng fever at diarrhea.

“Unfortunately, bago natapos 'yung quarantine ko, 'yung isa kong anak naman ang nagka-fever at nagka-diarrhea na kung hindi alam nung iba sa inyo ay dalawang symptoms ‘yun ng COVID,” sabi ng Bubble Gang actor. 

“Magkasama sila sa iisang kuwarto, pero 'yung kapatid niya walang symptoms. Kaya, siyempre, hindi na naman namin malaman kung paano niya nakuha 'yun. Awa ng Diyos after three days ay nawala na 'yung symptoms niya, sana stomach flu lang 'yung na-experience niya, pero para safe nag-isolate siya at nagpa-test.” 

Buti na lang at negatibo sa COVID-19 ang resulta ng test ng anak. 

Pinasalamatan din ni Bitoy ang medical frontliners, na itinuturing niyang heroes, sa pamamagitan ng paglikha ng isang fan art na ipinakita niya sa parehong vlog na may title na “FAN ART.”