Michelle Dee mahilig maglaro 

May 19, 2020
Michelle Dee

KAKAIBANG Michelle Dee ang matutunghayan sa kanyang bagong proyekto kasama ang GMA Artist Center na malapit nang i-launch. Kung sanay ang fans na makita ang beauty queen/model side ni Michelle, tiyak na mapapa-wow din silang malaman na mahusay din siya sa world of gaming.

Inanunsyo niya ang magandang balita sa kanyang Instagram, "Been thinking of different ways to entertain everyone during the ECQ and this is one of them! Everyone's used to seeing my Beauty Queen persona, so this might be interesting to most of you but trust me, i have some really exciting content coming your way!!! Oh, and i'll be working together with @gmanetwork and @artistcenter too so watch me play with your favorite celebs! LETS GOOOOO."

Marami ang na-excite sa ilulunsad na 'Michelle's Gaming World' kasama na rin dito ang kaniyang kapwa celebrities. May request pa ang aktor na si Benjamin Alves na ipakita ni Michelle kung paano siya maglaro ng 'Mobile Legends.'

Patuloy pa ring napapanood si Michelle kasama sina Winwyn Marquez at Thia Thomalla sa informative lifestyle show na 'Glow Up'.