Michelle nagpatanggal ng silicone sa dibdib

June 21, 2020

SA October 21 ay magti-three years old na ang first born ng (dating) actress na si Michelle Madrigal sa kanyang American husband na si Troy Woolfolk na si Anika Austin.

Fiance pa lamang noon ni Michelle si Troy nang kanyang isilang ang kanilang first baby.  The couple got engaged in July 2017 and got married in Texas, USA nung April 12, 2019.

Samantala, ipinatanggal ni Michelle ang kanyang breast implant silicone last December and she’s glad she did it dahil wala na umanong foreign object sa kanyang dibdib.

Si Michelle ay naging finalist noon sa reality talent search ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest na nagging daan ng kanyang pagpasok sa showbiz.  Ang kanyang elder sister na si Ehra Madrigal na dati ring artista ay may asawa na rin.

Sina Michelle, Ehra at younger sister nilang si Micaella ay mga anak ng dating sexy star from the 80s na si Karla Kalua.