Mickey teenager na ang anak sa komedyante

February 18, 2020
Mickey Ferriols

NAKAGUGULAT ang ipinagtapat ng napakaganda pa ring si Mickey Ferriols kung bakit pinili niyang maging single hanggang ngayon sa promo ng “A Soldier's Heart” na pinagbibidahan ni Gerald Anderson kung saan may napakaganda siyang role.

Hindi kinulang ng mga manliligaw si Mickey noon at maging ngayong gumaganap na siya ng mother roles.

Marami ring artista ang nanligaw sa kanya noon, pero hindi siya naakit sa mga ito. Buti pa ang isang sikat at guwapong basketball player, nakalusot, pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Ang huli naming balita ay may isang masugid na doctor ang mukhang “the one” na pero hindi rin pala nagtuluy-tuloy ang kanilang relasyon. Sa halip, isang komedyante ang finally nakitang kasama-sama na niya. Walang dudang magdyowa na sila. At makikitang ini-enjoy nila ang company ng isa’t isa.

Hindi nagtagal, nagkaanak sila. Cute na cute ang bata na makikitang ipinapasyal nila.

Doon daw naramdaman ni Mickey na handa na siyang magkaroon ng pamilya. At ipinagtapat niya ang kanyang nararamdaman.

Na-i-imagine na ang gulat ni Mickey nang marinig ang sagot ng ama ng kanyang anak. “Hindi pa ako ready!"

Alam niyo na marahil ang ending ng pag-uusap nilang iyon.

“I decided to raise my son alone!”, ani Mickey.

Binatilyo na ngayon ang anak niyang si  Brent Alemania.

Ngayon, familiar ba sa inyo ang family name ng ama ni Brent? (Parang Archie ang pangalan?--Ed.)