Migo kailangan ng counselling

March 28, 2019
Migo Adecer
Migo Adecer

PANSAMANTALANG nakalaya na sa pagkaka-detain sa Makati Police Department last Wednesday, March 27, ang 19-year-old Kapuso actor na si Migo Adecer matapos itong makapag-post ng bail sa tulong ng kanyang abogadong si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque. Si Migo na ang buong pangalan ay Douglas Errol Dreyfus Adecer ay nasangkot sa isang aksidente sa Brgy. Poblacion in Makati nung nakaraang Martes, March 26 nang hapon kung saan nasagi nito ang isang motorsiklo kung saan lulan ang dalawang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA)  na sina Regelio Formelos Castillanao at Michelle Gallona Papin na kanyang tinakasan pero siya’y nasukol ng mga pulis.  Sinubukan pa nitong iatras ang kanyang puting sports car na tumama sa isang mobile car. Bago ito ay na-involve din umano si Adecer sa isang traffic violation sa may Rockwell, also in Makati due to reckless driving.  Kinabukasan, March 27 ay na-inquest si Adecer sa City Prosecutor’s Officer ng Makati na may kinalaman sa reckless imprudence resulting to physical injury and damage to government property and disobedience to person in authority.  Bukod sa paglalagak ng bail, humingi umano ng paumanhin si Adecer sa mga pulis at sa dalawang MMDA employees na isinugod sa pagamutan. Sinagot nito ang pagpapagamot sa dalawang biktima na iniatras na ang kaso laban sa Kapuso actor.

Ayon sa nag-imbestiga sa kaso ni Adecer, nakainom umano ang actor.

Kailangan sigurong sumailalim si Migo ng counseling nang hindi na nito ulitin ang ginawa.  Ang actor ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center matapos nitong manalo sa ika-6th Season ng talent reality show na StarStruck as Male Ultimate Survivor.

Napapanood siya sa primetime series na "Sahaya."