Miguel may bagong proyekto?

July 26, 2020

NAIINTRIGA ang fans at followers ni Kapuso actor Miguel Tanfelix sa kanyang latest Instagram post.

Nakakapagpapaisip kasi ang caption ng actor sa recent photos niya na makikita ang mahaba niyang buhok, “ Look how long my hair got during this quarantine! Cutting it short in preparation for... 🤫.”

Kanya-kanya agad hula ang followers ni Miguel tungkol sa kanyang post. Ano nga kaya ang pinaghahandaan ng aktor na ikinatuwa at ikina-excite ng kanyang fans? 

Bukod sa rerun ng Kambal, Karibal sa primetime block, napapanood din sa Miguel sa All-Out Sundays tuwing Linggo sa GMA.