Miles sinusundan ang yapak ni Bela

March 02, 2019
Miles Ocampo
Miles Ocampo

HINDI halos makapaniwala si Miles Ocampo nang mabigyan siya ng break sa pelikula as lead actress sa upcoming movie ng TBA Studios, ang romantic-comedy film na “Write About Love” na tinatampukan din ng Kapuso actor na Rocco Nacino at Kapamilya talents na sina Yeng Constantino at Joem Bascon.  Ito’y mula sa direksiyon ni Cristanto Aquino.

Ang 21-year-old na si Miles ay nagsimula sa long-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” as a kid. Growing up, naging bahagi rin siya ng youth-oriented program na “Luv U” na tumagal sa ere ng apat na taon.  Regular din siyang napapanood sa weekly sitcom ng Kapamilya Network, ang “Home Sweetie Home” na unang pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga at ngayon nina Piolo Pascual at Toni.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Miles ay katrabaho niya si Rocco (Nacino) ng GMA.

Tulad ni Bela Padilla, may talent din sa pagsusulat si Miles.  Bukod sa kanyang pag-aaral sa U.P. ng Theater Arts,  she shifted into creative writing matapos niyang mag-attend ng scriptwriting workshop with Ricky Lee in 2016.  Bukod sa kanyang pag-aartista, gusto ring pagtuunan ng pansin ni Miles ang pagiging screenplay writer.  Katunayan, nakikipag-brain storming na siya sa digital media division ng ABS-CBN at kumikita na siya rito.