Miss England mas importante ang trabaho bilang doktor

April 11, 2020
Bhasha Mukherjee
Bhasha Mukherjee

NAKAPANAYAM ng CNN ang reigning 2019 Miss England na si Bhasha Mukherjee, ang 24-year-old junior doctor in England na nakabalik na ng London last Wednesday kung saan siya ngayon naka-self quarantine for two weeks bago siya mag-report back  sa kanyang trabaho bilang doctor sa Pilgrim Hospital in United Kingdom.

Nasa India si Bhasha doing a charity work as part of her being an ambassador for humatarian works in Africa, Turkey, Pakistan, India at iba pang Asian countries on behalf of Coventry Mercia Lions Club nang abutan ng Covid19 lockdown.   Habang siya’y nasa India ay panay umano ang text at tawag sa kanya ng kanyang dating mga kasamahan sa Pilgrim Hospital telling her how bad the situation is dahil sa coronavirus (Covid19).  

Dahil dito, humingi ng tulong si Bhasha sa British High Commission in Kolkata na hanapan siya ng flight mula India patungong Frankfurt then London dahil alam niyang mas kailangan siya sa hospital.

“There’s no better time for me to be Miss England at a time of need,” aniya.

“When you’re doing all this humanitarian work abroad, you’re still expected to put the crown on,  get ready, look pretty.  But I wanted to come back home.  I wanted to come and go straight to work,” patuloy niya.

“It was incredible the way the whole world was celebrating all key workers, and I wanted to be one of those, and I knew I could help,” diin pa ni Bhasha.

Pansamantalang huminto si Bhasha  sa pagiging doctor nang siya’y sumali sa 2019 Miss England at siya ang nanalo and represented the country sa 2019 Miss World na ginanap nung December 14, 2019 sa ExCel London, United Kingdom kung saan si Toni-Ann Singh ng Jamaica ang kinoronahang Miss World.

Si Bhasaha ay nag-specialize in respiratory medicine pero ang mga doctor ay niro-rotate ngayon sa mga pagamutan kung saan sila kailangan.

Ayon pa kay Bhasha, bago siya lumipad pabalik ng London ay tumawag umano siya sa Pilgrim Hospital upang ipaabot ang kanyang intention na bumalik sa kanyang trabaho bilang doctor at tatapusin lamang niya ang kanyang two-week self-quarantine dahil galing siya sa ibang bansa.

Bhasha was 19 nang siya’y mag-move mula sa Kolkata (formerly Calcutta), India patungong Derby, England kung saan siya nag-aral ng medicine.