Mo Twister engaged na sa live-in partner na si Angelicopter

May 27, 2020
Mo Twister
DJ Mo Twister and Angelika Schmeing

FORTY-two-year old Las Vegas-based radio disc jockey (DJ) and former TV host Mohan Gumatay popularly known as DJ Mo Twister is now engaged to his longtime partner (five years), model-DJ Angelika Schmeing better known as Angelicopter.  Ang couple ay meron nang isang  daughter na si Amsterdam. May anak namang lalaki si Angelika na si Lucas sa kanyang dating nakarelasyon.  The two got engaged sa pamamagitan ng podcast ni DJ Mo sa kanyang “Good Times with Mo” on its 7th season (Episode 45).

DJ Mo has a 21-year old daughter na si Moira Green sa (dating) actress na si Bunny Paras na 20 years nang naka-base sa California, USA with her family.

Si Moira ay may rare na sakit na Friedreich’s Ataxia na may kinalaman sa kanyang pagkakaroon ng muscle disorder na nag-progress since she was a kid kaya naka-wheelchair na ito ngayon.

Samantala, si DJ Mo Twister ay nagkaroon ng controversial relationship with Kapuso star Rhian Ramos.

Bago nakarelasyon noon ni Mo Twister si Rhian ay nagkaroon din siya ng 8-year on-and-off relationship with then Kapamilya rising star, ang Fil-Australian na si Janet (Janette) McBride.  Ito ang naging dahilan ng biglaang pagkawala ni Janet sa showbiz dahil namirmihan sila ni Mo Twister sa Amerika for sometime.  Napilitan din si Janet na magtrabaho bilang call center agent, photographer at worker sa customer service.  Pero nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa.

In 2011, nakilala ni Janet ang kanyang future husband na si Bens Omaga sa isang church (Victory Christian Fellowship) and got married in 2013.

Nang magkahiwalay naman sina Rhian at Mo Twister, naging kasintahan ng huli si Angelika in 2015  at limang taon na ang kanilang relasyon.

Ngayong engaged na si Mo Twister sa kanyang live-in partner na si Angelika, will he invite his daughter (kay Bunny Paras) na si Moira to his wedding?