Moira at Tunying, sabay ang kasal

January 15, 2019
Tunying & Rosell,Moira & Jason

DALAWANG kasal ang naganap last Monday sa Tagaytay. Una ay ’yung renewal of vows nina Anthony at Rosell Taberna at pangalawa, ang wedding ng singer na si Moira dela Torre kay Jason Marvin Hernandez.

Iglesia ni Cristo wedding ang kina Tunying at Rosell kasama ang pamilya at kaibigan. Present din ang dalawa nilang anak na may papel sa kasal.

Showbiz naman ang dating ng kasal nina Moira at Jason. Ilan sa mga dumalo ay sina Erik Santos, Sam Milby at iba pa.

Nakakatuwa nga ang kuwento ni Angeli Pangilinan-Valenciano na humabol talaga sa kasal galing sa Kuching, Malaysia para sa Asian TV Awards dahil may papel sa kasal ang anak na si Kianna.

Hiniram ni Angeli ang bahay ng kaibigan sa Tagaytay para magbihis kahit hindi na sila nakapunta sa salon.

Bahagi pa ng post ni Angeli sa Instagram, “Forgot my jewelry... my gown was wrong color so thank God I bought an extra one.”

Nakunan din niya ng video ang first kiss nina Moira at Jason bilang mag-asawa.