Mommy Divine kontrabida ba talaga sa buhay ni Sarah G?

February 22, 2020
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

KONTRABIDA ang tingin sa nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine ngayon.

Todo-kontra siya sa pagpapakasal ng anak kay Matteo Guidicelli. Pero wala rin itong nagawa dahil natuloy rin ang civil rites wedding ng dalawa nitong nakaraang Huwebes, February 20. Trending ang nasabing kasalan dahil sa pagsugod ni Divine sa venue at sa diumano'y pagsuntok ni Matt sa leeg ng close-in aide ni Sarah. Nagpa-police blotter daw ang bodyguard ngunit wala namang isinampang kaso laban sa aktor sa ngayon; bagama't itinanggi na ni Matt na may nangyaring panununtok.

Grabe ang pamba-bash ngayon ng mga netizen kay Divine. "Mukhang pera", "sakim", "abusado"; ilan lamang ito sa mga lait na ipinupukol sa kanya. Sa totoo lang, over acting itong si Divine kung totoo ang pagtutol niya dahil nasa edad na ang anak. Sarah deserves to be happy. Buong buhay ni Sarah natuon sa pagtatrabaho para sa pamilya. Sa katunayan, nakapag-paaral pa ng mga kapatid sa abroad; samantalang si Sarah 'di man lang nakapag-kolehiyo. Minsan nang nagpahayag noon ang aktres na gustung-gusto niyang makapag-aral ngunit 'di nagawa dahil sa kaliwa't kanang projects.

Gusto lang daw kausapin ang anak bago tuluyang magpakasal kaya siya sumugod sa kasal. Ano pa ba ang ayaw niya kay Matteo na isang mayaman at kayang-kayang buhayin si Sarah? 'Di ba gusto niyang mapakasal ang anak sa isang mayaman? May nakikita ba si Divine kay Matteo na 'di nakikita ni Sarah? Mapapa-totoo kaya ni Divine ang kasabihang "mother knows best"? Just asking...