Mommy Divine tiniyak na makadadalo sa kasal nina Sarah at Matteo

February 08, 2020
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

ISANG taong malapit pareho kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang nagsabi sa amin na sa susunod na buwan na ang kasal ng dalawa pero ayaw i-share ng aming source kung ano ang eksaktong petsa at location ng kanilang kasal.

Sa pagkakalam namin ay sisinimulan na this month ni Matteo ang shooting ng kanyang title role movie, ang “Penduko” na nakatakdang idirek ni Jason Paul Laxamana.  Habang si Sarah ay haharapin muna ang kanilang two-night back-to-back concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Smart Araneta Coliseum on February 14 & 15 na pinamagatang “Unified” at pagkatapos nito ay saka lamang mahaharap nang husto ni Sarah ang preparasyon ng kanilang kasal ni Matteo.

Samantala, sinabi ng aming source na hindi umano totoong hindi sisiputin ng ina ni Sarah na si Mommy Divine ang kasal nila ni Matteo.  Alam umano ni Mommy Divine kung gaano kahalaga kay Sarah ang kanilang pag-iisang dibdib ni Matteo kaya siguradong hindi siya mawawala sa kanilang kasal.