'Money Heist' actor nagpadala ng message kay Lovi

April 18, 2020
 Lovi Poe and Monty Blencowe

KAKAIBA ang LA-based film producer boyfriend ng singer-actress na si Lovi Poe na si Montgomery `Monty’ Blencowe dahil sa sobra nitong pagmamahal sa kanyang nobya ay hiningan niya ng pabor ang kanyang kaibigang  Spanish at Hollywood actor na si Enrique Arce (47) na maghatid ng live message sa Kapuso actress.  Si Enrique ay gumaganap bilang Arturo sa hit Netflix TV series na “Money Heist” (o “La Casa de Papel”). 

Narito ang live message ni Enrique para kay Lovi:

“How are you Lovi?  This is Enrique Arce.  Arturito in “Money Heist,” “La Casa de Papel”.  Yeah, that character that you love so much.  You know why I know that?  Monty told me.  He said he loved binge-watching the show with you. He’s waiting for Season 5 to see it with you also and he misses you a lot.  He really wants to see you soon more than he wants to see “La Casa de Papel 5.”  Take a note of that, alright? Big kiss!”.    

Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine na magtatapos sa April 30 (sana!), hindi makalipad patungong Los Angeles, California, USA si Lovi to see her boyfriend.  Maintained nina Lovi at Monty ang kanilang long distance relationship (LDR) .

Ang tatlo pang celebrities na nasa LDR ang status ay sina Yam Concepcion at Ellen Adarna.

Yam is in a longtime relationship with her US-based boyfriend na si Miguel CuUnjieng habang si Ellen naman ay may bagong boyfriend sa katauhan ng Spanish guy na nagngangalang Carlos Lemus gayundin ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey.