Monologue ni Marian sa ‘Himala,’ umani ng papuri

April 22, 2020
Marian Rivera

Napanood namin ang ilang bahagi ng video ni Marian Rivera kung saan dineliver niya ang powerful monologue ni Nora Aunor sa film classic na Himala at bahagi sa Gabi ng Himala, ang online fundraising event para sa displaced film workers.

Marami ang humanga kay Marian sa kanyang eksena na sinasabing “hindi totoong buntis ako...” at “dahil walang himala ang himala ay nasa puso lang natin. Tayo lang  ang gumagawa ng sumpa natin.”

Puro papuri sa acting at delivery ng monologue ang nabasa namin at ang iba ngang comments, parang ngayon lang napanood umarte si Marian.

Sabi ni @KimmyPatrol, “IBA ANG MARIAN RIVERA SA #GabiNgHimala!!! Saan niya kinukuha ang luha niya? Galing!!!” na sinundan ni @krizgazmen ng comment na “Ang galing ni Marian!!! Ganda rin ng interpretation ni Dingdong na Elsa as health worker!!!”

Nagpahabol pa si @MarkHArto ng comment na “Naenjoy ko ng husto ang #GabiNgHimala, ang husay nilang lahat! Pero grabe si Marian?!!!???!! (directed by Dingdong) — kinilabutan ako tapos fan na ako. At syempre yung reimagined version ni Lav: Wow, just wow!”

May comment din si @joshuadalupang na “In fairness to Marian Rivera, her monologue as Elsa is really good! Give this woman a serious project and a good director!”

Dapat din i-congratulate si Dingdong Dantes dahil siya ang director ni Marian sa eksena ng interpretation nila ng classic line ni Nora Aunor sa nasabing pelikula.

Sa ang Gabi ng Himala, may musical performances, scene interpretations and panel discussion.

Kabilang sa naging bahagi ng fundraising event na ito sina Aicelle Santos, Angelica Panganiban, Bianca Gonzalez, Bituin Escalante, Charo Santos-Concio, Dan Villegas, Iyah Mina, Jericho Rosales, Jodi Sta. Maria, Joel Lamangan, Joyce Bernal, Lav Diaz, Lea Salonga, Maja Salvador, Nadine Lustre, Olivia M. Lamasan, Petersen Vargas, Piolo Pascual, Raymond Bagatsing, Ricky Davao, Ryan Agoncillo, Sigrid Andrea Bernardo, Shaina Magdayao, Tom Rodriguez at Nora Aunor.