More celebrity babies coming

April 19, 2020

SA July 2020 nakatakdang isilang ng actress-wife ni John Prats na si Isabel Oli (Maria Olivia Daytia-Prats in real life) ang kanilang pangatlong supling.

Ang mag-asawa ay meron nang dalawang anak, ang kanilang panganay na si Lilly Feather ay 4 years old habang ang kanilang pangalawa na si Daniel Freedom ay magtu-two years old in November.

Hindi pa sini-share ng mag-asawang John at Isabel ang gender ng kanilang Baby #3.

Samantala, parehong baby boy ang magiging first baby nina Luane Dy at Max Collins sa kanilang respective husbands na sina Carlo Gonzalez at Pancho Magno na nakatakda ring isilang in the next couple of months.