More celebrity weddings

February 06, 2020

HABANG inaabangan ng publiko ang magkakahiwalay na kasal nina Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at iba pang showbiz couples, this year din nakatakdang ikasal ang Kapamilya actor na si JC de Vera sa kanyang non-showbiz fiancée na si Rikka Cruz kasama ang kanilang more than one-year-old daughter na si Lana Athena.

Ayon sa actor, hindi tatayong flower girl si Lana kundi ‘pakakasalan’ din ito ni JC at siya’y ihahatid ng dalawang kapatid na lalaki ni Rikka.

Sina JC at Nikka ay nagkaroon na ng pre-nup pictorial na ginanap sa historic Intramuros, Manila kamakailan lamang.

Samantala, kahit tahimik lamang ang respective camps nina Sarah G. at Matteo, sa buwan din umano ng March nakatakdang ikasal ang dalawa kaya dalawang Sarah ang nakatakdang ikasal this March.  Ang isa pang Sarah ay si Sarah Lahbati na ikakasal sa kanyang fiancé at ama ng dalawa nilang anak na sina Zion at Kai na si Richard Gutierrez.

Grand wedding ang nakatakdang ganapin on March 14 sa kasal nina Richard at Sarah habang simple wedding lamang umano ang gustong mangyari nina Sarah G. at Matteo.

Tahimik din ang engaged couple na sina Angel at Neil tungkol sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Ang isa pang couple na malapit nang ikasal ay ang Kapuso talents na sina Juancho Trivino at Joyce Ching.