More than the endorsement

February 29, 2020

MULING lumagda ng panibagong kontrata si Lorna Tolentino bilang isa sa 45 brand ambassadors ng Beautederm na pinamumunuan ng president-CEO ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan.  Ang contract-signing ay ginanap sa Annabel’s in Quezon City nung nakaraang Huwebes ng tanghali.

Masayang-masaya si LT sa partnership niya with Rhea and Beautederm dahil nabuo umano ang kanilang close na pagkakaibigan.

“More than the endorsement, mas nabuo ang pagkakaibigan namin (ni Rhea)  at pagiging isang pamilya,” ani LT.

Hindi ikinakaila ni Rhea na big fan umano siya ng misis ng yumaong action star na si Rudy `Daboy’ Fernandez.

“Nang lumago na ang business ng Beautederm, pinangarap ko talaga na kunin si Ate LT,” pag-amin ni Rhea during the renewal of the contract with LT.

“Ang sarap lang ng pakiramdam na hindi na trabaho at negosyo ang pinag-uusapan namin.  More na bilang magkaibigan at pamilya,” pagmamalaki pa ng Beautederm lady boss.