Mylene ’di naniniwala sa kasal

April 01, 2019
Mylene Dizon

MARAMI pa rin ang tumataas ang kilay kapag nai-interview si Mylene Dizon tungkol sa kanyang love life. Hindi niya kasi itinatago na hindi siya bilib sa kasal.

Tulad na lamang ni Ira Cruz na hindi lang gwapo kundi napakahusay pang singer na minsan ay na-link na rin kay KC Concepcion. Tumagal din ang pagsasama nina Mylene at Ira ng apat na taon.

May panahon ding naging sila ng actor-model na si Paolo Paraiso at nagbunga ng dalawang anak. Pero hindi rin humantong sa kasalan ang kanilang pagsasama.

“Hindi talaga ako pang-kasal,” aniya sa interview kaugnay ng teleseryeng “Sahaya” na tumi-trending ngayon sa social media dahil sa husay na pagganap ni Jasmine Curtis-Smith sa nakaraang dalawang Linggo.

Pero ngayon, tahimik na si Mylene na nabubuhay kasama si Jason Webb (anak ni Freddie Webb) at six years na silang nagli-live in.

Parehong may dalawang anak na sina Mylene at Jason. Dalawang anak na babae kay Jason at dalawang anak na lalake naman kay Mylene.

Samantala, dali-daling tinanggap ni Mylene ang teleseryeng “Sahaya” dahil bukod sa masaya siya sa pagbabalik sa bakuran ng GMA Network, reunion din nila ito nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na una niyang nakatrabaho sa “Once Upon A Kiss” noon.

“I’m very comfortable with these kids. Buti kasi 'yung you are working with familiar faces,”aniya.

Nakatitiyak pa silang makatitikim ng tulong sa acting mula sa napakahusay at award-winning actress na si Mylene.