Mylene naging haircutter na rin sa partner na si Jason Webb

April 23, 2020
Mylene Dizon and Jason Webb
Mylene Dizon and Jason Webb

KABILANG na rin si Mylene Dizon sa mahabang listahan ng mga artista na mistulang naging manggugupit para sa kanilang mga asawa o nobyo ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Metro Manila. Dahil stuck at home at sarado ang mga salon, nauuso ngayon sa mga kalalakihan ang scruffy beard o no shave look. Ngunit dahil sa init na rin na dulot nang pagpasok ng summer, napipilitan ang ilan na ipagkatiwalang paggupitan ang kanilang buhok sa mga nobya at misis. 

Sa Instagram video na in-upload ni Mylene, tinawag ng Kapuso actress na kanyang ‘masterpiece’ ang haircut na ginawa sa nobyong si Jason Webb na assistant coach and team consultant ng Magnolia Hotshot. Pagbibiro pa ni Mylene ay isusunod daw nito ang mga anak na sina Tomas at Lucas. Samantala, dahil tigil muna sa taping ang mga serye, pansamantalang napapanood ang Alyas Robin Hood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime na kinabibilangan ni Mylene.