Nadine ill-advised –– Atty. Topacio

February 04, 2020
Nadine Lustre

NAKAKUWENTUHAN namin ang celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio sa premiere night ng pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets” at tinanong namin ito kung ano ang kanyang saloobin sa kaso ng singer-actress na si Nadine Lustre sa ginawa nitong pagkalas sa bakuran ng Viva na siyang nag-build-up at sumugal sa kanya.

Ayon kay Atty. Topacio mas maganda pa rin daw kung makikipag-usap nang maayos si Nadine sa Viva para maiwasan ang mas malaki pang damage sa kanyang career.  Kapag nagmatigas naman daw si Nadine, tiyak na ito ang maiipit sa proseso kapag nauwi sa demandahan ang lahat dahil binding pa umano ang kontrata ng singer-actress sa Viva until 2029.

Hindi si Atty. Topacio ang legal councel ng Viva at nagsasabi lamang daw siya ng saloobin bilang abogado.

Habang hindi nakikipag-ayos si Nadine sa kanyang home studio, walang mga bagong projects na darating sa kanya dahil matatakot ang third parties na kunin ang kanyang serbisyo nang direkta.

“Nadine is ill-advised,” diin ni Atty. Topacio na naging legal counsel ng ibang mga kilalang showbiz personalities which include Yasmien Kurdi, Aljur Abrenica, Claudine Barretto, Sarah Lahbati at iba pa.