Nag-iiwasan

March 17, 2019
Alden Richards & Maine Mendoza

Alden at Maine, bawal magtabi o maghawakan sa Holy Land?

... litratong lumabas, peke!

Ayaw magpahinga ng bashers ni Alden Richards kahit Holy Week at kahit ’yung pinost niyang picture ay ang renewal of baptism niya (Alden) sa Jordan River, sige pa rin ang bashers sa pamba-bash sa aktor.

Mabuti at deadma sa kanila si Alden. Kahit ano pa ang ibato, hindi na niya pinapansin.

Dahil sa pinost na picture ng kanyang renewal of baptism, napatunayan na mali ang nag-leak na pictures nina Alden at Maine Mendoza na magkahawak at nakalusong sa tubig.

Pinalalabas kasi na sina Alden at Maine ’yun, pero hindi naman pala dahil solo-solo silang bininyagan ni Fr. Jeff.

Malabong maghawakan sina Alden at Maine habang nasa Holy Land dahil halata sa mga lumalabas na litrato ng Dabarkads ng Eat Bulaga ang kanilang pag-iiwasan.

Baka nga nakabalik na ng Pilipinas ang Dabarkads na wala pang group picture na magkatabi sina Alden at Maine.

Lagi silang magkalayo. Minsan, dulo sa dulo at lalong walang litrato na magkasama sina Alden at Maine. Para bang may nagbabawal at may magagalit na magtabi sila.

Nalulungkot ang ibang AlDub fans sa nangyari kina Alden at Maine, pero tiyak na may ibang kwento ang  fans na naniniwala pa ring may relasyon ang dalawa.

Palpak na nga sa pinakalat na tsika na sabay umalis ang dalawa dahil nauna si Maine kasama ang Dabarkads at sumunod si Alden dahil dumalo muna sa storycon ng Star Cinema movie nila ni Kathryn Bernardo. Isinunod sa storycon ang look test ng bagong pareha.

Anyway, pinost na ng scriptwriter na si Carmi Raymundo na tapos na niyang sulatin ang script. Nag-post naman si Kathryn ng street sa Hong Kong na may caption na, “Soon.” Si Alden, nag-post ng Chinese food at nag-post ng emoji ng camera, film at flag ng Hong Kong.

Kung ’di April 7, sa Apr. 10 na raw sisimulan ni Director Cathy Garcia-Molina ang shooting ng wala pang title na pelikula.