Nagbakasyon na sa Amerika, wala pa ring label sina Janine at Rayver

January 17, 2019

ANG drama-comedy movie na  “Elise” na pinagtatambalan ng Kapuso star na si Janine Gutierrez at Kapamilya actor na si Enchong Dee ay base sa isang true-to-life story at pinamahalaan ng young director na si Joel Ferrer for Regal Entertainment. Ito ang pre-Valentine offering ng Regal na nakatakdang ipalabas on February at  kung saan din tampok sina Mike Raval at ipinapakilala sina Laura Lehmann, Victor Anastacio at Miel Espinosa.

Second team-up din nina Janine at Enchong ang “Elise” dahil nagsama na rin ang dalawa sa Sinagtala Film Fetival horror movie na “Lila” in 2016.

Samantala, ayaw pang lagyan ng label ni Janine ang relasyon nila ng bagong Kapuso actor na si Rayver Cruz kahit nagbakasyon na sila sa Amerika kamakailan lamang.  Ang mahalaga umano ay masaya sila ni Rayver.  Huling nakarelasyon ni Janine ang Kapamilya actor na ngayon na si Elmo Magalona na hiwalay na rin sa ka-loveteam at naging kasintahan din nitong si Janella Salvador.