Naghamon!

January 22, 2019
Ai-Ai de las Alas

Sancho, nawindang sa paandar ni Ai-Ai kay JLo.

HINAMON na nang diretso ni Ai-Ai de las Alas ang idol niyang si Jennifer Lopez nang ilantad ang katawan niyang hindi niretoke gaya ng paggaya niya sa isang picture ng Hollywood actress-singer sa nakaraang Instagram post niya.

Inilantad ni Ai ang litrato niyang naka-two piece bikini sa IG niya.

“’Eto ang totoo jlo -- gusto ko mag-usap na tayo nang personal! Pareho tayong walang edit (ay meron pala binura ko onte ang stretch marks ko hehe). Dito ’te... usap tayo agad-agad hahaha (saksi ang aking photographer thank you che at aking make up artist at tirik na tirik ang araw pero tiniis ko makapag-paandar lang laban!!! Hehehe,” caption ng comedy queen sa bagong paandar.

Nawindang ang panganay niyang si Sancho sa pose ng ina.

“GRABE NAMAN YAN MA!!!” sey nito.

Sa ganda ng kurbada ng katawan ni Ai-Ai, hindi kataka-takang mabaliw sa kanya ang asawang si Gerald (Sibayan), huh!