Nahirapang magsama-sama

July 04, 2019

HUMARAP sina Gary Valenciano, Randy Santiago, Ogie Alcasid at Dingdong Avanzano  sa isang intimate press conference para sa kanilang upcoming fundraising concert na pinamagatang “Green & Go” na nakatakdang ganapin sa FilOil Flying V Centre in San Juan City, Metro Manila sa ganap na ika-8 ng gabi.  Musical director si Mon Faustino habang si Paolo Bustamante naman ang stage director.  Ang nasabing benefit concert ay binuo ng La Salle Greenhills Batch `84 (kung saan kabilang sina Ogie at Dingdong), para makatulong sa pangangailangang medical ng kasamahan nila sa LSGH alumni.  Pagkatapos ng concert ay susundan ito ng party kung saan featured ang Route 70.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon nina Gary V., Randy, Ogie at Dingdong na naging miyembro ng kilalang  high school music ministry ng La Salle Greenhills ang Kundirana na magsama-sama sa isang common stage with the same exposure.

Thirty years ago,  nagkaroon ng isang major concert ang mga dating miyembro ng Kundirana sa isang sold-out concert na ginanap sa Ultra na pinamagatang “Kundi sa Ultra, Saan Pa?” kung saan din kabilang ang apat na music icons na sina Gary V., Randy, Ogie at Dingdong at iba pang mga kilalang personalidad ngayon tulad nina Rowell Santiago, Juan Miguel Salvador, Rannie Raymundo at marami pang iba habang ang iba sa kanila ay napunta na sa iba’t ibang profession tulad ng isang kilalang Filipino doctor na naka-base na ngayon sa New York, USA.

Ayon kay Gary V., nakapahirap na umanong muli silang mapagsama-sama dahil karamihan sa kanila ay nasa ibang bansa na.  But it is always worth the try laluna kung para naman sa isang magandang cause ang gagawin nila.