Napiling sperm donor nina Liza at Aiza, matangkad at blue eyes

January 29, 2019
Liza Diño & Aiza Seguerra

OPEN si FDCP Chair Liza Diño sa pagkukwento sa pagdaraanang in vitro fertilization (IVF) para magkaanak sila ni Ice Seguerra.

Caucasian daw ang napili nilang donor ng sperm cell na isasama sa egg cell ni Ice, saka i-inject sa kanya. O kung anuman ang tawag sa proseso.

Iyon ang napili nila para raw matangkad at blue eyes mula sa parang dating app na tsinek nila ni Ice.

Nakita nila ang picture ng donor, pero hindi ang name at mananatili siyang anonymous kina Liza at Ice and vice-versa.

Baby boy ang gustong anak ni Ice, baby girl naman ang gusto ni Liza na 10-year-old na ang panganay na si Amara na excited na sa kapatid.

Pero kahit anong gender ang isilang ni Liza, na siyang magiging surrogate mother, masaya na sila ni Ice pati ang kanilang mga magulang.

Kaya lang sa December pa pwedeng sumailalim ng IVF si Liza dahil marami pa siyang commitment, lalo na sa FDCP. Naintindihan siya ni Ice, kaya next year pa sila magkaka-baby.

Nakausap ng press si Liza sa special screening ng Kuya Wes sa Cine Adarna ng UP Film Center at nabanggit ang maraming event this year ng FDCP.