Neil Ryan nagamit ang pagiging biker sa bagong raket

August 21, 2020
Neil Ryan

IKINUWENTO ni Descendants of the Sun PH star Neil Ryan Sese kung paano siya kumikita ngayong may pandemya at pansamantalang naantala ang trabaho sa showbiz.

Sa interview niya sa Amazing Earth, sinabi ni Neil na kasalukuyan siyang nagde-deliver ng seafood sa iba’t ibang lugar gamit ang kanyang bisikleta. Aniya, "Sobrang nae-enjoy ko na. Kasi akala ko noong una gagawin ko lang siyang business noong lockdown. 'Di ko naman akalain, 'di naman natin akalain lahat na hahaba ng ganito 'yung lockdown.”

Malaki rin daw tulong ang ganitong klase ng trabaho sa bikers na kagaya niya, "Alam ko nga may mga kaibigan akong nawalan ng trabaho na bikers din. I think ito yung malaking makakatulong sa kanila kasi kayang kaya nila gawin ‘to for sure,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, mapapanood si Neil sa pinakabagong episode ng ‘Dear Uge Presents’ kasama sina Eugene Domingo, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon ngayong Linggo (August 23), 2:30PM, sa GMA Network.