Netflix star, special someone ni Lovi?

January 30, 2019
Lovi Poe

Dahil sa pinost na picture ni Lovi Poe na kasama ang American actor na si Gavin Leatherwood, inakalang ang aktor na may recurring role sa TV show na Sabrina (napapanood sa Netflix) ang bagong special someone ng aktres. 

May mga kinilig agad sa mga nakakita sa litrato. 

Pero kung titingnan mabuti, may kasamang dalawa pang guys sina Lovi at Gavin at ang isa sa guy, ang katabi ni Lovi ay magkadikit sila. 

Parang magka-holding hands din ang dalawa, hindi nga lang masyadong kita dahil putol ang picture.

May kaibigan si Lovi na nagpangalan sa guy, siya ay si Monty Blencowe, executive producer, British at based in Los Angeles, California.

Ang sabi, si Blencowe ang totoong nanliligaw kay Lovi o ang hinala nga, boyfriend na niya ang guy.

May mga nagsabi namang baka kaibigan lang ni Lovi si Mr. Blencowe at baka tutulungan lang ang aktres na magkapasok sa Hollywood.

Ang ilan sa projects ni Mr. Blencowe ay ang pelikulang Escape Plan 2 tampok sina Slyvester Stallone at Dave Bautista.

Hanggang ngayon, pahulaan pa kung sino sa mga kasama ng aktres ang special someone niya.