Netizens frustrated kay Aljur

July 26, 2020

MARAMING mga Kapamilya at supporters ng ABS-CBN  ang na-disappoint sa naging pahayag ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica na kahit pro-franchise umano siya ay sinabi nitong `it’s beyond me’ kaya tahimik siya sa kanyang pagsuporta sa network na sumalo sa kanya magmula nang lisanin niya ang GMA.

Dahil sa naging  pahayag ng 30-year old Kapamilya actor, sobrang na-disappoint sa kanya ang marami sa kanyang mga kasamahan hindi lamang sa ABS-CBN kundi pati na ang netizens.

Marami tuloy ang nag-comment na sana raw ay nanahimik na lamang si Aljur kaysa `kagatin’ ang TV network na nagbigay sa kanya ng hanapbuhay.

Speaking of Aljur, isa siya sa mga pangunahing bituin ng maiden film ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topaico, ang “Escape from Mamasapano” na pamamahalaan ni Lawrence Fajardo at tatampukan din nina Edu Manzano, Claudine Barretto, Ritz Azul, Tonton Gutierrez at ang ang nagbabalik-showbiz na si Rep. Mikey Arroyo.  Ito’y mula sa panulat ng award-winning writer na si Eric Ramos.

Ang shooting ng “Escape from Mamasapano” ay nakatakdang simulan sa susunod na buwan (August) following the required healthy protocols.