Netizens kampi kay Matteo laban kay Divine

February 22, 2020
Sarah Geronimo and Mommy Divine
Sarah Geronimo and Mommy Divine

BIGLANG nagbago ang ihip ng hangin dahil si Matteo Guidicelli na at hindi na si Divine Geronimo ang kinakampihan ng publiko.

Dati-rati, si Divine ang pinupuri ng mga tao dahil sa maayos na pagpapalaki kay  Sarah Geronimo pero ang kanyang pagtutol sa pagpapakasal ng dalawa (Matteo at Sarah)  ang naging mitsa para makatanggap siya ng mga batikos mula sa concerned citizen na naniniwala na panahon na para hayaan niya na maging maligaya ang 31-year-old singer-actress.

Nang ireklamo ng isang Jerry Tamara si Matteo ng panununtok noong February 20 sa Ministry of Crab restaurant sa Shangri-La The Fort, may mga nag-akala na  magiging negative ang image ng asawa ni Sarah pero iba ang nangyari.

Marami ang nakisimpatiya kay Matteo at pinaniwalaan ang kanyang depensa na wala siyang sinuntok sa reception ng civil wedding nila ni Sarah.

Si Tamara ang bodyguard ni Sarah at siya ang inaakusahan na nagsabi kay Divine ng venue ng wedding reception kaya napasugod dito ang over- protective mother na nagmistulang gate-crasher dahil hindi imbitado at clueless sa lihim na pagpapakasal ng kanyang anak.